“A whole civilization will die tonight, never to be brought back again.” ‘Yan ang babala ni US President Donald Trump noong April 7, kung hindi raw titigilan ng Iran ang blockade sa Hormuz Strait.
Genocide. Yes, he went there. As Filipinos would say, “Nakakaloka.” (It’s maddening.) Lalo na kapag inisip mo na tulad ng Ancient China, Ancient Egypt, at kalapit na Mesopotamia, ang ancient Elam ng Iran ay kabilang sa mga pinakaunang sibilisasyon sa mundo.
Sabi naman ng legal experts, this could amount to war crimes. Malapit na bang magkaroon ng bagong dorm mate si Rodrigo Duterte sa The Hague? Not if we look at how the world fawns on him.
“Madman Theory.” ‘Yan ang tawag sa style ni Trump, at nagsimula ito sa isa pang US President — si Richard Nixon — noong panahon ng Vietnam War. Gustong papaniwalain ni Nixon ang mga Vietnamese na “unhinged” siya at maaaring i-nuke ang Vietnam anytime.
Pero sabi ng isang think tank sa Washington, “trapped by his own hyperbole” daw si Trump. May limitasyon daw ang ganitong panggigipit.
Sabi naman ng iba, ito raw ay classic TACO, short for “Trump always chickens out.” Nabuo ang ganitong pagtingin nang nag-backpedal siya sa mga tariff na ipinataw noong January-April 2025 sa China, Canada, at napakaraming bansa, kabilang ang Pilipinas.
Pinagtatalunan pa kung epektibo ang Madman Theory ni Trump ngayon. But it seems analysts are missing the point: hindi ang effectiveness ng madman politics ni Trump ang buod ng problema. Nagmumukha tuloy rational ang irrationality ni Trump. Hindi ito simpleng “escalating to de-escalate.”
Natatabunan ng madman antics niya ang core truth: siya ay transactional, disruptor, at may “winner-take-all” mentality. At kabaligtaran ng world stability, world peace, human rights, o preservation of the planet ang pakay niya.
At kapag tiningnan ang attacks laban kay Nicolas Maduro ng Venezuela, ang bantang sakupin ang Greenland, ang daydream na gawing Riviera of the Middle East ang Gaza, at ang bromance kay Vladimir Putin, lumilitaw ang pattern: siya na siguro ang pinaka-recent embodiment ng isang imperialist president.
Ang tunay na trahedya? Pinababayaan siya ng America na gawin ito. Nasaan ang mga institusyon na dapat ay checks and balances kay Trump — ang US Supreme Court, ang dalawang kapulungan ng US Congress? Nasaan ang ibang mga bansang First World na dapat ay naglalagay sa kanya sa lugar, imbes na sumisipsip sa kanya? Nasaan ang American people na imbes na magpamalas ng malawakang pagkokondena sa giyera sa Iran, biyak-biyak sa love-hate kay Trump? Nasaan ang Democrats na tila remarkable for their inability to seize this crisis opportunity?
Mabalik tayo sa international stage. Malinaw na binabaklas ni Trump ang Old World order at lantaran niyang pinipilayan ang mga institusyong, ironically, itinaguyod upang pigilan ang ganitong kahibangan.
Halimbawa na lang ang NATO o North Atlantic Treaty Organization, na itinuturing na freeloaders ni Defence Secretary Pete Hegseth at Vice President JD Vance. Kahit araw-araw silang insultuhin ni Trump, this transatlantic body will not take a confrontational stance.
Halimbawa rin ang baldadong United Nations na ni hindi makapagpasa ng resolution tungkol sa Hormuz — dahil na-veto ng China at Russia. Ganyan din ang nangyari sa Gaza ceasefire resolutions sa kabila ng kaliwa’t-kanang batikos sa Israel ng halos lahat ng mga bansa sa planeta.
Sintomas si Trump ng isang mundong malala ang sakit. Ito na ba ang implosion na hinog para sa radikal na pagbabago? – Rappler.com

