Sa ika-73 na episode ng Dapat Pwede!, tatalakayin natin ang muling paghahanda para sa unang halalan ng BARMM sa Setyembre 14, 2026.
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12317 noong Marso 25, 2026, na nagtatakda ng petsa ng halalan sa rehiyon ngayong taon. Ito ang ikaapat na postponement ng unang halalan sa BARMM.
Sa pagtatapos ng registration period para Regional Political Parties (RPPs) at Parliamentary Sectoral Organizations (PSOs) noong Lunes, April 6, may 16 na regional political parties at 28 sectoral organizations ang opisyal na nag-file ng kanilang Manifestation of Intent to Participate (MIP-PE), kasama ang kanilang listahan ng mga nominees.
Sa episode na ito, layunin ipaalam sa publiko ang kahulugan ng registration at accreditation na ito, at ang mga paghahanda ng COMELC habang papalapit ang makasaysayang araw ng halalan sa rehiyon.
Abangan sa Dapat PWEDE!
April 10, 2026 (Biyernes) | 8:00 AM to 8:30 AM
Live sa Facebook pages ng:
Mapapakinggan din sa buong bansa sa 702 DZAS AM Radio!
#MayPapelKa dahil #SATINangEleksyon


