Make democracy work — mga senador, kailangan pa ba naming ipaalala 'yan?Make democracy work — mga senador, kailangan pa ba naming ipaalala 'yan?

[EDITORIAL] ‘Democracy is not preserved by rigid arithmetic’

2026/06/08 14:11
3 min read
For feedback or concerns regarding this content, please contact us at [email protected]

Nakakaaliw ang Senateflix. Nakita natin sino ang haring pilosopo, sino ang madrama, sino ang bully kapag hindi nabibigyan ng publicity.

Nakita rin natin sino ang kagalang-galang, at sino ang “parliamentarian.”

Senate, Quorum, drama, democracy

Pero sa bandang huli, ano ang nakataya? Hindi entertainment value nito kundi demokrasya. At ang tanong: alinsunod ba sa mga demokratikong adhikain ang nangyari, o padausdos tayo sa karimlan? 

Binasag daw ng new majority ang gridlock sa pamamagitan ng hakbang na ligal, alinsunod sa batas, at may judicial precedent at nakaangkla sa isang Supreme Court ruling, ang Avelino Doctrine. Dahil daw dito, naiwasang maparalisa ang Senado.

Pero bakit humantong sa ganito? 

Siguro nga totoong testamento ito ng parliamentary resilience — pero ayan na naman ang salitang resilience. Dapat ba nating ikatuwa ang kawayang kayang sumayaw sa matinding unos at hangin — at umasa na lang na resilient naman tayo. Hihintayin pa ba nating mabali ang kawayan?

Kung talagang gumagana ang demokrasya, walang dapat panig sa kapit-tuko sa kapangyarihan. Kung malusog ang demokrasya, hindi na kailangan mag-referee ang Supreme Court upang basbasan o pagalitan ang paksyon ng Senadong nagsagawa ng coup at nag-reconstitute ng quorum.

Noong 2015 na panahon ni dating Senate president Frank Drilon, nagkaroon din ng ganitong eksena kung saan ang mga nakakulong at nasa-abroad na senador ay nagpaliit ng working number ng Senado sa 17. Mabilis na nag-shift ang plenaryo at inaprubahan ang reconstituted quorum na 12. Walang drama. 

Pero ang malaking kaibahan, hindi nakataya ang Senate presidency. Hindi tinanggal ng quorum ng 12 si Drilon bilang Senate president. At ang pinakamalaking pagkakaiba: hindi poder ni Senador Alan Peter Cayetano ang nasaling. By now, naalala na ng lahat kung papaano siya kumapit sa kapangyarihan laban sa ka-term-sharing dapat niya na si Lord Allan Velasco. Umabot pa sa puntong ipinadlock ang House at nagpunta sina Velasco sa isang clubhouse para magtrabaho.

Pero ngayon, umabot pa sa punto na nagdaos ang minorya ng “imaginary” blue ribbon committee hearing. Imbes na maging fact-finding, naging pagkakataon ito para magsagawa ng umano’y demolition jobs sa mga kapwa nila senador at mga kritiko ni Vice President Sara Duterte.

Hindi po, by no stretch of the imagination should this be considered normal. Kung normal ito, dapat ay sumipot din ang abogado ng 18 na dating bodyguard umano ni Zaldy Co sa ipinatawag na organizational meeting ng blue ribbon committee ngayong Lunes, June 8. Hindi ba pambabastos ito — nasa gusali sila ng Senado pero nanatili sa opisina ni Robin Padilla?

Ipinapaalala namin sa mga senador ng minorya — ang kampo nina Cayetano — na inihalal sila ng taumbayan upang magtrabaho. Deliberative chamber sila na pinamumunuan ng simple majority.

Matuto sanang tumanggap ng pagkatalo ang mga senador na natingkab sa puwesto. Sana’y bumalik na sa trabaho ang mga nag-aalboroto. With or without a Supreme Court opinion on the matter. 

Sabi nga ng mga law dean, “…democracy is preserved not by rigid arithmetic, but by ensuring that public institutions remain functional, accountable, and capable of carrying out the people’s business.” 

Sa minorya: bumalik na kayo sa trabaho pagsapit ng July 6 impeachment trial, no ifs, no buts. Sa mayorya: make this work, hikayatin ang dapat hikayatin; find the middle ground hangga’t hindi bumabali ng prinsipyo. Lalo pang pagtibayin ang legitimacy ng bagong mayorya.

We want our working Senate back. – Rappler.com

Market Opportunity
Notcoin Logo
Notcoin Price(NOT)
$0.0003804
$0.0003804$0.0003804
-0.57%
USD
Notcoin (NOT) Live Price Chart

Predict & Trade to Win Rewards

Predict & Trade to Win RewardsPredict & Trade to Win Rewards

Guaranteed rewards with $500,000 prize pool

Disclaimer: The articles reposted on this site are sourced from public platforms and are provided for informational purposes only. They do not necessarily reflect the views of MEXC. All rights remain with the original authors. If you believe any content infringes on third-party rights, please contact [email protected] for removal. MEXC makes no guarantees regarding the accuracy, completeness, or timeliness of the content and is not responsible for any actions taken based on the information provided. The content does not constitute financial, legal, or other professional advice, nor should it be considered a recommendation or endorsement by MEXC.

RealStocks Now Live

RealStocks Now LiveRealStocks Now Live

Trade real U.S. stock via regulated brokerage