Kailangang ma-educate ang mga eskuwelahan at pamilya sa pag-identify ng warning signs ng radicalizationKailangang ma-educate ang mga eskuwelahan at pamilya sa pag-identify ng warning signs ng radicalization

[EDITORIAL] Save the children… from online extremism

2026/07/06 13:01
3 min read
For feedback or concerns regarding this content, please contact us at [email protected]

Hindi lang kapalpakan ng eskuwelahan o kakulangan ng parental supervision ang nangyaring trahedya sa Tacloban City. Tila may napunit din sa social fabric ng ating lipunan nang itutok ng edad 14 at 15 ang baril sa kapwa nila mag-aaral. 

Online extremism, violence, children

Malinaw na hindi ito naganap sa isang vacuum. Isang nakagigimbal na katotohanan ang nahalungkat ng Senate committee on women, children, family relations, and gender equality noong July 1: tinatarget ng mga nihilistic violent extremism (NVE) networks ang ating mga kabataan.

Sa hearing, narinig natin na may online networks — tulad ng “764,” “True Crime Community,” at “No Lives Matter” — na pugad ng subcultures ng NVE. (BASAHIN: Senate tags ‘764’ online extremist network in Tacloban shooting probe)

Anong kultura ito? Dito nai-internalize ng mga kasapi ang pamimilit, pananakit sa sarili, pananamantala sa mga menor-de-edad, at pag-iidolo sa karahasan.

Halimbawa, itong 764. Itinuturing ito ng US Federal Bureau of Investigation na banta sa seguridad ng bansa; sa Canada, tinagurian itong terrorist organization. Hindi lang ito mga network kung saan naglalaro ang mga bata ng mararahas na video games — dito ginu-groom ang mga batang naghahanap ng koneksiyon sa kapwa nila kabataan at katropa.

To be sure, hindi naman video games ang puno’t dulo ng panganib. (BASAHIN [Rappler’s Best] Gaming your social networks)

Sabi nga ni committee chairperson Senator Risa Hontiveros, walang blanket na panawagan na i-ban ang gaming. Ang tunay na panganib ay sa grooming — kung saan sinasamantala ng malign actors ang social isolation at mental health struggles ng kabataan. Sa digital spaces na ito, may pangako ang mga handlers ng “belonging” — may “kasama” at “kakampi” kayo — kapalit ng panata sa violence, self-harm, o extortion.

Nakakatakot. Sa harap ng gabundok na pulitikal na drama ng ating bansa, nanganganib na matabunan ang panganib na ito. (BASAHIN: Tacloban school shooting revives fears of online extremism)

Existential threat ito sa kabataan, at dito pumapasok ang papel ng komunidad at gobyerno — ang village approach. (BASAHIN: How extremists use gaming culture to manipulate young people into violence)

Sinunggaban ng disinformation peddlers ang galit ng taumbayan upang lalo pang palabuin ang debate — gamit ang AI-generated photos at false narratives tungkol sa juvenile justice law. Imbes na magkapit-bisig ang komunidad upang protektahan ang mga bata, nagkaroon ng divide sa pagitan ng mga naniniwalang rehabilitasyon at restorative justice ang sagot sa child delinquency laban sa naniniwalang “spare the rod, spoil the child.” (BASAHIN: [DECODED] Tacloban shooting and the lies that undermine protective measures)

Hindi sapat ang regulasyon ng online platforms — and, let’s be honest, hindi naman nare-regulate ang mga ito sa Pilipinas. Malayong-malayo pang mangyari ito dahil ang business model ng mga platform ay panatilihin ang user sa platform para mabentahan ng targeted advertising. 

Kailangan ng systemic overhaul sa kung papaano natin pinapangalagaan ang ating mga kabataan laban sa online threats. Kailangang ma-educate ang mga eskuwelahan at pamilya sa pag-identify ng warning signs ng radicalization.

Kailangan ng mas makahulugang psychological intervention para sa mga “children in conflict with the law,” at kailangang maigpawan ang knee-jerk na pagpaparusa imbes na rehabilitasyon.

Wake up call ang Tacloban shooting hindi lang para sa mga magulang, educators, at ahensiya ng gobyerno, kundi pati na rin sa tech companies. 

Kapag pinabayaan nating maging bulnerable ang isip at moralidad ng kabataan sa online predators, para na rin natin silang inabandona sa gitna ng kagubatan. 

Trabaho natin bilang mga magulang at educators na ma-identify ang mga banta sa kabataan — at sa digital age, the threat of online extremism is real. – Rappler.com  

World Cup Combo: Aim for 200x

World Cup Combo: Aim for 200xWorld Cup Combo: Aim for 200x

Combine up to 20 World Cup matches in one order

Disclaimer: The articles reposted on this site are sourced from public platforms and are provided for informational purposes only. They do not necessarily reflect the views of MEXC. All rights remain with the original authors. If you believe any content infringes on third-party rights, please contact [email protected] for removal. MEXC makes no guarantees regarding the accuracy, completeness, or timeliness of the content and is not responsible for any actions taken based on the information provided. The content does not constitute financial, legal, or other professional advice, nor should it be considered a recommendation or endorsement by MEXC.

$5M in SPCX Positions for Free

$5M in SPCX Positions for Free$5M in SPCX Positions for Free

0 fees, 100x leverage, daily prizes, 7K+ stocks/ETFs