Hindi tayo natututo sa leksiyon ng immediate past. Case in point? Mananalo si SWOH sa 2028 if we will not get our acts together. Parang wala tayong natatandaangHindi tayo natututo sa leksiyon ng immediate past. Case in point? Mananalo si SWOH sa 2028 if we will not get our acts together. Parang wala tayong natatandaang

[Tabas ng Dila] Highlight ng pagtanda

2025/12/29 09:00

Dahil nalalapit na muli ang pag-upload sa social media ng year-end essay-writing pieces replete with photos and reels hinggil sa kung ano ang nangyari sa buhay at kung ano ang inaasahang character development in the guise of New Year’s resolution sa darating na taon, heto, sa wakas, nakasulat na muli ako.

At ano pa ang magandang lamanin ng aking narrative kung hindi ang highlights ng buhay ng nagdaang 2025?

Sa dagsa ng impormasyon at pagmamarka ko sa bawat araw na nagdaan — lagi akong nagche-check sa gallery ng smartphones ko bilang repository ng larawan at videos na minsan ay nagiging paraan ko para ma-recall kung ano ginawa ko sa isang okasyon at kung saan at kailan ito nangyari — bihira na nga yata akong magtanda.

Tumatanda ako pero nahihirapang magtanda, na iba pa sa pagiging makakalimutin, ha? May isang taon na namang lilipas na puno ng makukulay na detalye, mga nangyari sa karera, inambisyon, at mga ibinoto sa eleksiyon.

Speaking of eleksiyon, may napala naman tayo sa variety ng mga nanalong senador. May naligwak — at buti na lang talaga naligwak! — na mga kauri ng mga laos na action star at game show host. Marami pang pupuwedeng mangyari sa presidential election sa 2028, pero, ang mahalaga, hindi na lamang popularidad at pagiging nepo baby ang salik para manalo. Well, kasama pa rin iyon dahil nanalo pa rin naman ang ilang showbiz at media personalities at mga anak ng mga bilyonaryong politiko.

Also, nagsipagwagi sa eleksiyon ang mga pabibong nepo babies sa mga ahensiya ng pamahalaan mula barangay hall, munisipyo, city hall, kapitolyo, Batasan (lalo dito sa Batasan!), Senado. Karamihan sa mga estrukturang iyan ng pamahalaan, kung hindi man lahat, inaanay ang haligi dahil sa mga korupsiyon ng dinastiyang politikal, kaya naman bumabaha ng kalamidad sa bansa.

Dahil nakakawalong presidente ng bansa na ako, akala ko manhid na ako sa epekto ng korupsiyon sa bansa. Pero itong sa flood-control projects na nilapa ng mga politiko, opisyal, at mga contractor, it was on another level — kaya highlight na rin sa buhay kong maituturing. Kasi another level talaga ang kasibaan.

At sa sobrang malaganap, parang sindikatong maraming chapters na may proteksiyon sa main office ng DPWH and who knows where else. Talagang mapapaluha ka na lang sa laki ng buwis na nanakaw at sa laki ng mga bahay ng mga Discaya at ng mga Zaldy Co. At parang mobster flick ang mga eksena! Turuan, sabwatan, at dahil sa isyung ito ay hindi iilang tao ang yumao at hindi pa makita hanggang ngayon.

Kinarir

Hindi mawawala ang career sa highlights. May mga na-promote at lumaki ang suweldo and the taxes that go along with it, na kasabay naman ng pagdami ng responsibilidad at lofty expectation sa bagong ranggo’t lofty position. Ganoon talaga, walang libreng tinapa.

Highlight din ang nakamit na grado sa eskuwela ng mga anak, mga medal. Highlight ang bagong grado ng antipara, highlight nang itanghal na outstanding teacher ang misis ko na hindi ko man lang nakuha ang gahinliliit na sipag at efficiency sa pagtuturo.

Highlight din ng aking taon ang pagkakaroon ng bagong Santo Papa sa katauhan ng Amerikanong Agustino na si Robert Francis Prevost. Maraming pagpapala, maraming biyaya kasabay ng challenges na ang iba naman ay napipigilan ng mga maintenance medicine.

At itong nagdaang araw, gaano man ka-mundane, highlight ng taon na ito ang panalo ko ng grand prize na mamahaling smarter-than-user phone. Ito na ang pinakamalaki kong premyo sa raffle. Sana masundan pa. Kung bahagi ng kapalaran ko ang tumama sa lotto next year, sino ba naman ako para tumanggi?

Marami akong hindi naisulat na highlights. Maaaring highlights sa iba, pero hindi ba mag-iwan sa akin ng marka. Kaya nga highlight. Pero pansinin, sa dami ng highlights, baka ito na ang karaniwan. Ang dali kong matandaan ngayon ang mga bagay-bagay, pero parang hindi ako nagtatanda. Idadamay ko na kayo: parang hindi tayo nagtatanda.

Hindi tayo natututo sa leksiyon ng immediate past. Case in point? Mananalo si SWOH sa 2028 if we will not get our acts together. All roads lead to that kung walang intervention, divine or otherwise. At parang wala tayong natatandaang nangyari sa buhay natin mula 2016 hanggang 2022. Parang wala tayong kadala-dala.

Tanda ng pagtanda

I know, madalas, sa dami ng highlights ng nangyari, hindi mo na alam ang natatangi: nagkamit ng tagumpay sa career, buhay na buhay ang love life, may pangarap na natupad, yumao si Enrile, nagtamo ng financial freedom, bagong kotse, travels abroad sa siksikang eroplano. Sa dami, isang hilerang mahirap kabitan ng pagmamarka kung highlight pa nga ba ito o hindi. Minsan, mas maganda pang ikonsidera na ang highlight ng taon ay nakarating tayo dito sa dulo sa kabila ng lahat. 

Sa kultura natin, wala sa edad o hitsura ang pagtanda. Well, sa kaso ko, sa hitsura dahil college pa lang ako noon, mukha na akong matanda. Pero ang matanda na binibigyan ng respeto ay iyong may edad na may taglay na wisdom na natamo buhat sa maraming pinagdaanan sa buhay, buhat sa maraming natandaan. Matanda hindi lang dahil sa edad at hitsura kung hindi sa karunungan at aral. Kaya nga insulto sa atin ang matawag na matandang walang pinagkatandaan. Masakit. Nagkaedad lang pero walang natatandaan, walang natutuhan.

Hindi mapipigilan ang ating pagtanda. At kailangan kong ipayo sa sarili na magtanda dapat ako sa mga nangyari ng nagdaang panahon.

Tumanda nawa tayong may pinagkatandaan. – Rappler.com

Professor ng seminar in new media, writing for new media, at creative nonfiction sa Faculty of Arts and Letters at sa Graduate School ng University of Santo Tomas si Joselito D. De Los Reyes, PhD. Kasalukuyan siyang chairperson ng UST Department of Creative Writing.

Market Opportunity
Notcoin Logo
Notcoin Price(NOT)
$0.000544
$0.000544$0.000544
+1.28%
USD
Notcoin (NOT) Live Price Chart
Disclaimer: The articles reposted on this site are sourced from public platforms and are provided for informational purposes only. They do not necessarily reflect the views of MEXC. All rights remain with the original authors. If you believe any content infringes on third-party rights, please contact [email protected] for removal. MEXC makes no guarantees regarding the accuracy, completeness, or timeliness of the content and is not responsible for any actions taken based on the information provided. The content does not constitute financial, legal, or other professional advice, nor should it be considered a recommendation or endorsement by MEXC.