Hindi na uubra ang palusot na may matino namang dynast politicianHindi na uubra ang palusot na may matino namang dynast politician

[EDITORIAL] Anti-dynasty bill ni Dy-Marcos: Read the fine print

2025/12/15 14:18

Parang magandang panaginip — sa wakas, may nagpanukala ng anti-dynasty bill, at hindi kung sino lang — mismong ang House Speaker at anak ng Presidente at Majority Floor Leader.

Sandro Marcos, Bojie Dy, Anti-Dynasty bill

Pero gumising muna tayo sa katotohanan: tingin ba ng dalawa, boboto ang Kongresong ito laban sa sarili nitong interest?

Kahit na sa porma nitong tila nakatuon sa fat dynasties at iiwan ang thin dynasties untouched — talaga bang palulusutin ito ng vested interests ng isang Kongresong malaking tipak ay politicontractors at fat dynasties?

Kahit na sa malabnaw na porma nito, magkakandado ito ng maraming pinto ng oportunidad (at kuwarta) para sa mga miyembro ng mga dynasty na nagpapayaman sa ninakaw sa kaban ng bayan. 

Pero tulad nga ng pagsusuri ni Rappler reporter Dwight de Leon — hindi apektado si Dy o si Marcos ng panukala sa kasalukuyang porma nito. (BASAHIN: Anti-dynasty bill from Bojie Dy, Sandro Marcos is weak, but a start)

Ngayon pa lang, kumibo na ang ilang miyembro ng dynasties na mulat tulad ng mag-asawang Hataman. Sabi nila sana’y maipasa ang “best version” ng panukalang magbibigay puwang sa bagong dugo imbes na protektahan ang umiiral na power structures.

Pero bumalik tayo sa lupa: numbers game ang Kongreso — at kung may mga Hataman, mas marami ang mga gahamang dynasts. Hindi pa naka-factor in ang Senadong mistulang siblings act.

Some say we’re too scarred by the politicontractors in flood control projects for propaganda and mind games like this. Suspetsa ng mga kritiko, smoke and mirrors lang lahat ito mula sa ningas-kugon Presidential team na magaling mag-jumpstart pero walang kuwenta pagdating sa finish line.

Pero thankfully, hindi lang naman ang Marcoses at mga Dy ang mapagpasya. Sana, mapiga ng civil society ang yugto na ito upang maipaliwanag ang isyu sa taumbayan — at nag-iisang tinig na itulak ang isang makabuluhang anti-dynasty bill. Kung hindi ngayon, sa malapit na hinaharap.

In its present form, the Dy-Marcos bill wants to trim fat dynasties but will not affect thin dynasties. Ipauubaya namin sa mga eksperto at stakeholders kung may strategically sound compromise ba sa pagsuporta sa watered-down bill.

Sabi nga ng proponent ng isang anti-dynasty bill na si Mikee Defensor — ang self-confessed na “suwail” na anak ni Mike Defensor — “government is a sinking ship.” 

Dagdag pa ni Mikee, don’t ignore the numbers. Hindi uubra ang palusot na may matino namang dynast politician. Sabi ng istatistika, mas malala ang kahirapan or poverty incidence sa mga lugar na ilang dekadang pinamunuan ng mga fat dynasty. Mabibilang sa sampung daliri ang mga Vico Sotto of this world, pero sangkatutak ang mga bugok, sakim, at incompetent — not to mention some are not even of sound mind.

It makes sense, mabaho ang kanal na hindi umaagos. 

Ang malinaw: isa itong token at tactical move ni Marcos upang makarating sa 2028 nang hindi nade-dethrone.

HIndi man maipasa ang hallucination bill, sana maging mitsa ito sa makabuluhang diskusyon — at sana’y magising ang taumbayan sa mga bulok at sakim na dinastiya sa kanilang pamayanan. – Rappler.com

Piyasa Fırsatı
FINE Logosu
FINE Fiyatı(FINE)
$0.0000000008113
$0.0000000008113$0.0000000008113
+2.33%
USD
FINE (FINE) Canlı Fiyat Grafiği
Sorumluluk Reddi: Bu sitede yeniden yayınlanan makaleler, halka açık platformlardan alınmıştır ve yalnızca bilgilendirme amaçlıdır. MEXC'nin görüşlerini yansıtmayabilir. Tüm hakları telif sahiplerine aittir. Herhangi bir içeriğin üçüncü taraf haklarını ihlal ettiğini düşünüyorsanız, kaldırılması için lütfen [email protected] ile iletişime geçin. MEXC, içeriğin doğruluğu, eksiksizliği veya güncelliği konusunda hiçbir garanti vermez ve sağlanan bilgilere dayalı olarak alınan herhangi bir eylemden sorumlu değildir. İçerik, finansal, yasal veya diğer profesyonel tavsiye niteliğinde değildir ve MEXC tarafından bir tavsiye veya onay olarak değerlendirilmemelidir.